Monday, July 16, 2012

Home Along the Nostalgia.

Sa ngayon, magpo-post muna ako sa Filipino (Taglish pwede din), kasi alam kong mga Pinoy lang din naman ang makakaintindi dito.

Una sa lahat ay ikukuwento ko muna sa inyo ang experience ko nung mga panahong sikat pa si Dolphy. Early 90's era, noong wala pang Justin Bieber, Daniel Padilla at dayaan sa TV ratings.

Paborito kong palabas noon ang "Home Along da Riles", na syempre naman ay title spoof ng "Home Alone" kung saan ang bida ay isang batang nagngangalang Kevin, na syang ginamit din ni Dolphy bilang "Kevin Cosme". Natutuwa ako sa opening song; sobrang catchy at medyo awkward ako dun sa line na "kumapit ka, kumapit ka, kung ayaw mong magka-bukol". Sabi ko sa sarili ko "meeeeh". Pero wala lang, ako lang yun.

 

Masasaya ang mga skits ni Dolphy, lalo na ang kanyang trademark na pang-hahampas ng dyaryo (or anything na pwedeng ipang-hampas) sa kahit sino doon, pero in a comical way; yung hindi nakakasakit, pero sobrang nakakatawa. Doon ko din unang nakilala si Smokey Manoloto, na nag-cosplay ng kabayo. Nagkataong ang apelyedo ko ay kinakantyawan din namang "Cuadra ng kabayo". Kaya medyo naging attached ako kay Smokey nung bata pa ako (mga grade 1-3) at nakita ko rin sya ng personal sa isang mall sa Manila. Hindi ko iyon makakalimutan. Childhood talaga oh.

Pero let's get to the point here: bakit sa lahat ng mainstream na artista, si Dolphy ang pinakabilib ako, kahit na hindi ako masyadong mahilig sa mga artista?

Una sa lahat, mapagpakumbaba si Dolphy. Kahit ilang awards, achievements, pelikula, TV shows, babae, anak, pera, at kung-anu-ano pang hindi mabilang na mga biyaya, para sa kanya ordinaryong tao lang sya. Simpleng manong lang. Mabait at namimigay ng tulong para sa lahat ng humihingi sa kanya at hindi mo kakakitaan ng sama ng loob o kasungitan. Kahit lang paparazzi okay lang, basta okay ang lahat. Cool lang, in other words. Hindi sya masyadong flashy sa mga bagay tungkol sa kanyang personal na buhay; mas pinipili nyang maging simpleng Pilipino at suportahan ang kanyang mga anak.

Kahit na sabihin na nating, sobrang overrated na sa balita, radyo, TV at dyaryo ang pagkamatay ni Dolphy. Eh ano naman kung ito'y kasing-daming beses maulit tulad ng "Call Me Maybe"? At least may sense, diba? At least yung tao, alam mong napakalahaga ng aral na kapupulutan natin mula sa kanya. Alam mo ring hindi sya masamang impluwensya at hindi rin sya mayabang o nakakabatong tao. Hindi rin sya monotonous kahit ilang beses sya i-feature sa TV. Sobrang lawak ng mundo ni Dolphy, at halos lahat ng parte ng mundong ito ay may kahulugan at aral na tiyak makaka-relate tayong lahat. Hindi katulad ng mga Teleserye ngayon.

Sa tingin ko, tama ang sinabi ni Lourd de Veyra sa kanyang pinakabagong post sa spot.ph: 

"Hindi ako artista, pero palagay ko comedy ang pinakamahirap sa lahat. Ang tuwa ay isang emosyon na hindi mo puwedeng dayain. Hindi puwedeng mapeke ang pagpapatawa."

Mas madaling umiyak kaysa magpatawa. Dahil ang pag-iyak ay natural lamang sa atin, ngunit ang pagpapatawa ay kailangan ng matinding super powers. Kelangan magaling ka sa impromptu at alam mo kung paano mapapatawa ang ibang tao. Ganun din sa concept ng meme (internet phenomenon) at rage comics, pati narin YouTube videos. Kelangan may dating at alam mong nakakatawa, at higit sa lahat, may aral at sense yung sinasabi mo, hindi basta nalang random punch line.

Kahit ako, inaamin kong saksakan ako ng ka-cornihan, pero hindi ako tumitigil upang pag-aralan kung paano gumawa ng mas nakakatawang mga ragecomics at meme. Ganun din ang mga YouTube gamers tulad ni PewDiePie, UberHaxorNova, Cryaotic at Tobuscus (Toby). Pinag-iisipan nila ang kanilang gagawin para alam nilang worth it naman pagdating sa mga fans, at syempre, dapat may originality. Hindi sila basta basta kokopya nalang ng isang istilo.

Naalala ko tuloy ang aking lolo nung namatay sya. Yun lang ang time na nagkasama-sama lahat ng kanyang mga kapatid. Parang ngayon lang. Kung kelan namatay ang isang Hari ng Komedya ay saka nagsidatingan ang mga "sawsawero at sawsawera" (parang Face to Face lang), na sinasabi nilang "mahal na mahal nila si Dolphy na parang ama". Itong mga taong ito ay malamang hindi manlang nila sinuportahan ang Pidol's Wonderland, Father Jejemon at Nobody Nobody but Juan. 

Mabuti nga at binigyan ni PNoy si Dolphy ng isang pa-consuelong award: 2012 People's Artist Award (na ayon sa tatay ko na narinig nya sa DZRH ay mas mataas ang value kung ikukumpara sa National Artist Award). At hindi lang yun: ginawa pang National Day of Remembrance ang birthday ng nanay ko, July 13, alang-alang sa Hari ng Komedya.



May kasabihan nga tayo: "Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao o bagay kapag wala na ito."

Ang tanging panalangin ko lang sa ngayong halos mamamatay na ang industriya ng LEGIT na entertainment sa Pilipinas, ay sana yung mga natitirang kasing-generation niya ay hindi pa mawalan ng pag-asa. Alam kong mabilis ang panahon ngayon, at alam ko ring hindi ko masyadong naabutan ang mga lumang pelikula ni Dolphy (except nakapanood ako noon ng black and white kung saan anghel ang role ni Dolphy at may kaibigan syang demonyo at sa huli'y binigyan ng chance ni God yung demonyo na mabuhay muli bilang tao, unfortunately nakalimutan ko na ang title nito), alam kong da best parin talaga si Mang Pidol, kahit ano pa sya, Kapamilya, Kapatid (pero hindi sya naging Kapuso LOL). 

Sa pagtatapos ng aking post ay iiwanan ko sa inyo ang aking munting nilikhang piyesa sa piano para gunitain ang Hari ng Komedya. Hanggang sa muli. :)


No comments: