Tuesday, January 11, 2011

Telebisyon: Saan ka na ngayon kakampi?

Kung "Pinoy" ka, alam mo na sa kasalukuyan ay tatlong TV stations ang naglalaban-laban para sa ratings galing sa mga manood ng ating bansa. Hindi ko na kailangang sabihin pa, dahil mas feel ko i-blind item nalang, gaya ng "The Who" series ng mga Lucena Hard Gays.
Ngayon, paano nga ba nagsimula ang kompetisyong ito?

Bata pa ako noon. Wala akong pakialam kung anong palabas sa TV. Pero masaya ako sa makasaysayang ATBP (Awit, Titik, Bilang at iba pa), ginintuang Batibot, at ang mahiwagang Wansapanataym. Syempre cartoons din, noh? Hep hep, back to the topic. Bibigyan ko ng code letters ang bawat istasyon, upang hindi na kayo malito. Ang unang istasyon ay si "Station 1 (S1)", ang ikalawa ay si "Station 2 (S2)" at syempre ikatlo ay si "Station 3 (S3)". Hindi na titik ang ginamit ko, baka mahalata eh.

Dati kaming nanonood palagi ng S2, dahil sa noontime at kiddie shows nila, etc etc. Pati movies sinusuportahan namin. Ngunit nagbago ang lahat ng ininfluensyahan ng tita ko ang nanay ko na manood ng S1, dahil hindi daw masyadong "baduy", di katulad ng S2. Ayan, mas ayos nga naman eh. Actually, hindi ko maintindihan pero kahit gusto kong balikan ang S2 eh wala na akong makilala at hindi ko na maapreciate. Dun ako nagkamali. Halos pareho lang pala sila in terms of program arrangement. Nagkaiba lang sa mga artista.

Napagtanto ko: hindi ka pala dapat nakikinig palagi sa sinasabi ng iba, dahil hindi sa lahat ng oras ay tama sila. Gov Nantes...pasensya na po talaga. SLN =(

Anyway, napaliko nanaman ang topic na ito, haha. Maganda ang S2, pero ang S3 pinapanood ko rin. Kaso noon, hindi pa masyadong sikat ang S3 dahil iba pa ang management. Ang kauna-unahang anime kong napanood ay napanood ko dito sa S3. Nagulat nalang ako at bigla ulit sumibol ang S3 sa panibagong pangalan at pamamahala. Pero bago yun...

Nadiskubre ko ang mga mali ng S2 at S1. Una, medyo napapansin ko lang na marami silang "behind the camera stuff" na hindi natin nalalaman. Audience manipulation. Kadalasan, parang mga negosyanteng gusto ng mas maraming balik sa kanila. Hindi naman sa sinisiraan ko. Gusto ko lang sana, eh mas maganda kung naging mas patas sila sa pagpapakita ng talento, palabas, at wag masyadong mukhang commercialized ang sining ng pag-arte at telebisyon, dahil ang musika, teatro, at pagsayaw ay isang SINING na hindi kailanman papantay sa mga commercialized na bagay. Hindi ito nabibili. Ito ay napakahalaga, parang emosyon.

Ang tunay na ibig sabihin ng pagiging artista ay hindi dahil gusto mo lang ng mas malaking kita para suportahan ang mga minamahal mo. Dahil napakadaming trabaho na madadaling gawin dito sa mundo (kailangan mo lang mag-self-study eh). Kulang nga lang sa Pilipinas kasi ang budget ay kapos. Ang tunay na ibig sabihin ng pagiging artista ay nais mong ipahiwatig ang bawat pintig ng puso mo't damdamin, na kahit anong sabihin nila ay hindi ka magpapakaplastik, at wala kang pinapanigang tao dahil binayaran ka o dahil kamag-anak mo o kaibigan mo. PATAS lang lahat. Mas maganda sana kung magiging ganun.

Pero nagkatotoo yun...well malapit na eh. Pero hindi sa S2 at S1, kundi sa mahiwagang S3, na humahataw na ngayon sa ratings. At kapag pinagpatuloy pa nila ito, maaaring umunlad ng tuluyan ang Pilipinas. Dahil sa huli, hindi sapat ang puro salita, kanta, sayaw, at kung anu-ano pa, na para lamang kumita ng pera. Dapat bawasan ng mga Pinoy ang masyadong business-minded at makikita nila kung ano ang nawawalang sangkap sa pag-unlad ng ating bansa. Kasi diba kung aalisin natin ang "crab mentality", ay yun na ang ating paglaya sa mga "dayuhan" ng ating buhay. Sa huli, ang mahalaga ay ginagawa mo ng maayos ang mga tungkulin mo sa iyong lupang sinilangan, na kahit walang camera sa harap o likod mo ay go parin!

Pinupuri ko ng lubusan ang S3. Naniniwala ako na hindi nila kayang mandaya upang kumita ng malaki, sapagkat sa kanila, pantay-pantay lang ang lahat. Kahit S1 o S2 ka, basta ang importante, maging masaya, maligaya at may takot sa Diyos.

Ay isa pa nga pala! Sinong nagsabing bawal ang walang drama teleserye kapag gabi? AYOS NGA YUN EH. Alam nyo kasi, para sakin (kung matatag ang inyong mga kalooban ay siguradong tatawanan nyo nalang ako), ang drama teleserye ay isang "redundancy" o pag-uulit. Bakit? Hindi ba't ang teleserye ay hango sa tunay na buhay? Kung malungkot ang tunay na buhay, tapos malungkot din sa teleserye, eh diba parang inulit mo lang yung sakit? Pahihirapan mo lang ang sarili mo. Hahaha.

So anyway...yun lang ang sa akin (masyado yata akong naging harsh, pasensya na ha, wala namang pangalan kaya hindi ako pwedeng kasuhan dahil opinion ko lang po ito). At isa pa, wala namang perpekto kunti si Manong Perfecto (joke lang yun). Ngayon, ang tanong ko: saan ka na ngayon kakampi?

Ako neutral. I hate TV, kasi may internet naman, ahahaha.