Monday, August 18, 2008

El Paraiso de Mariposa

El Paraiso de Mariposa
ni Kristel "Kazaki" Cuadra

Isang munting paraiso
Sa gitna ng malaking gulo
Maaliwalas na kalangitan
Walang iwanan!

Mga ibong nag-aawitan
Kay ganda ng kapaligiran!
Dilaw at maputlang himpapawid
Habang sa tulay ay tumatawid.

Punong matitingkad,
Iba't ibang kulay at pugad
Mga bulaklak na namumukadkad
Habang sa ere ay naglalakad.

O kay sarap ng hangin dito!
Tunay na nakakaantig ng puso!
Tila ayaw kong umalis dito
Sapagkat isa itong paraiso.

Ang talon ng buhay at bughaw na dagat
Mga hayop na isang-daan at apat
Tila gusto kong mamahinga dito
Sa napakagandang paraiso.

Sa wakas, nakita ko ang puno
Naalala ko ang aking puso
Iukit dito mga munting pangarap
Mula sa paraisong anong sarap.

08/18/08

No comments: